Andito kame ng Lolo teban ko sa Naga City. Meron kasing pinatatakbong Mobile University si lolo Teban ko. Nagtuturo kase siya ng libre ng mga pamamaraan sa negosyo. Sinusuportahan ito ng City council ng Naga City.Ang Penafrancia ay isang malaking event na ang focus ng celebrasyon ay ang kapistahan ng Our Lady of Penafrancia. Milyon ang kita ng City Council dito. Kagaya ng Parada ng Lechon maraming sponsor dito pero di nila tinatanggal ang lumang tradisyon na naka focus sa mga devotee ng Penafrancia.Napaunlad nila ang Event na ito at kasalukuyang pinakikinabangan ng syudad ang kinikita nila dito na milyon-milyon sa turismo at sponsorship ng ibat ibang kumpanya.Pwedeng - pwedeng gayahin naten ang ginagawa nila dito. ang Parada dito mula umaga hanggang hapon ang haba pero di nila pinuproblema ang kaayusan. Natatapos nila ng mayos ang lahat ng pakulo nila.Sana maabot naten ang naabot nila. pagyamanin naten ang ating Parada ng Lechon. Huwag naten tanggalin ang ating limang tradisyon. Parangalan naten ang ating Sto San Juan. ...